Add parallel Print Page Options

At narinig ko ang isang tinig sa kalagitnaan ng apat na buhay na nilalang na nagsasabi: Gawin mo na ang halaga ng isang takal ng trigo ay isang denaryo at ang tatlong takal na sebada na isang denaryo. Huwag mong pinsalain ang langis at alak.

At nang binuksan niya ang ikaapat na selyo, narinig ko ang tinig ng ikaapat na buhay na nilalang na nagsasabi: Halika at tingnan mo. Nakita ko ang isang kabayong maputla. Ang pangalan ng nakaupo roon ay Kamatayan. At sumunod ang hades sa kaniya. Binigyan sila ng kapama­halaan na patayin ang higit sa ikaapat na bahagi ng lupa, ng tabak at ng gutom at ng kamatayan at sa pamamagitan ng mabangis na hayop ng lupa.

Read full chapter