Font Size
Pahayag 7:8-10
Ang Salita ng Diyos
Pahayag 7:8-10
Ang Salita ng Diyos
8 Labindalawang libo ang tinatakan nila mula sa lipi ni Zabulon. Labindalawang libo ang tinatakan nila mula sa lipi ni Jose. Labindalawang libo ang tinatakan nila mula sa lipi ni Benjamin.
Ang Maraming Taong Nakasuot ng Puting Damit
9 Pagkatapos kong makita ang mga bagay na ito, narito,ang napakaraming taong naroroon na walang sinumang makakabilang sa kanila. Sila ay mula sa bawat bansa, bawat lipi at bawat wika. Nakatayo sila sa harap ng trono at sa harap ng Kordero. Sila ay nakasuot ng maputing damit at may hawak na mga palaspas.
10 Sila ay sumisigaw ng isang malakas na tinig. Sinabi nila:
Ang kaligtasan ay sa kaniya na nakaupo sa trono at sa Kordero.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International