Add parallel Print Page Options

Hinipan ng ikalawang anghel ang kanyang trumpeta, at itinapon sa dagat ang isang tulad ng malaking bundok na nagliliyab sa apoy. Naging dugo ang ikatlong bahagi ng dagat, namatay ang ikatlong bahagi ng may buhay sa ilalim ng dagat, at nawasak ang ikatlong bahagi ng mga barko.

10 Hinipan (A) ng ikatlong anghel ang kanyang trumpeta, at isang malaking bituin ang nahulog mula sa langit, nagliliyab na parang isang sulo. Nahulog ito sa ikatlong bahagi ng mga ilog at sa mga bukal ng tubig.

Read full chapter