Add parallel Print Page Options

Natatakpan(A) ng parang mga baluting bakal ang kanilang dibdib at ang pagaspas ng kanilang pakpak ay parang dagundong ng maraming karwaheng hila ng mga kabayong lulusob sa labanan. 10 Sila ay may mga buntot na may tulis gaya ng sa alakdan. Nasa buntot nila ang kapangyarihang manakit ng mga tao sa loob ng limang buwan. 11 Ang pinuno nila'y ang anghel na bantay sa napakalalim na hukay. Ang kanyang pangalan sa wikang Hebreo ay Abadon,[a] at sa wikang Griego'y Apolion.[b]

Read full chapter

Footnotes

  1. Pahayag 9:11 ABADON: Ang kahulugan ng pangalang ito ay Pagkawasak .
  2. Pahayag 9:11 APOLION: Ang kahulugan ng pangalang ito ay Tagapagwasak .