Add parallel Print Page Options

19 Sapagka't (A)ang nakikilala tungkol sa Dios ay hayag sa kanila; sapagka't ito'y ipinahayag ng Dios sa kanila.

20 Sapagka't ang mga bagay niyang hindi nakikita buhat pa nang lalangin ang sanglibutan ay nakikitang maliwanag, sa pagkatanto sa pamamagitan ng mga bagay na ginawa niya, maging ang walang hanggan niyang kapangyarihan at pagka Dios; upang sila'y (B)walang madahilan:

21 Sapagka't kahit kilala nila ang Dios, siya'y hindi niluwalhati nilang tulad sa Dios, ni pinasalamatan; kundi bagkus (C)niwalang kabuluhan sa kanilang mga pagmamatuwid at ang mangmang nilang puso ay pinapagdilim.

22 Ang mga nangagmamarunong ay naging mga mangmang,

23 At pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira, ng isang katulad (D)ng larawan ng tao na nasisira, at ng mga ibon, at ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga nagsisigapang.

24 Dahil dito'y sa karumihan ng mga pita ng kanilang mga puso ay ibinigay sila ng (E)Dios sa kahalayan, (F)upang alisan nila ng puri ang kanilang mga katawan sa kanikanilang sarili:

25 Sapagka't pinalitan nila ang katotohanan ng Dios (G)ng kasinungalingan, at sila'y nagsisamba at nangaglingkod sa nilalang kay sa Lumalang, na siyang pinupuri magpakailan man. Siya nawa.

Read full chapter