Add parallel Print Page Options

Akong si Pablo ay alipin ni Jesucristo. Tinawag ako ng Diyos na maging apostol at ihiniwalay para sa ebanghelyo ng Diyos. Ito ay ang ipinangako niya noong nakaraang panahon, sa pamamagitan ng kaniyang mga propeta, sa banal na kasulatan. Ito ay patungkol sa kaniyang Anak na mula sa lahi ni David ayon sa laman.

Read full chapter