Font Size
Roma 1:13-15
Ang Biblia (1978)
Roma 1:13-15
Ang Biblia (1978)
13 At hindi ko ibig, mga kapatid, na hindi ninyo matalastas na (A)madalas kong inaakalang makarating sa inyo (datapuwa't hanggang ngayon ako'y nahahadlangan), upang magkaroon naman ako sa inyo ng anomang bunga, na gaya sa mga ibang Gentil.
14 Ako'y may utang sa mga Griego at gayon din naman (B)sa mga barbaro, sa marurunong at gayon din sa mga mangmang.
15 Kaya nga, sa ganang akin, ay handa akong ipangaral din ang evangelio sa inyong nangasa Roma.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978