Add parallel Print Page Options

25 Pinalitan nila ng kasinungalingan ang katotohanan tungkol sa Diyos at sila'y sumamba at naglingkod sa mga bagay na nilalang sa halip na sa Lumalang, na siyang dapat papurihan magpakailanman! Amen. 26 Dahil dito'y hinayaan sila ng Diyos sa mahahalay na pagnanasa. Ayaw nang makipagtalik ng kanilang kababaihan sa mga lalaki sa likas na paraan kundi mas nais nilang makipagtalik sa kapwa babae.[a] 27 Ganoon din ang mga lalaki: iniwan nila ang likas na pakikipagtalik sa mga babae, at sa kapwa lalaki nag-alab ang kanilang pagnanasa. Gumagawa sila ng kahalayan sa isa't isa, kaya't sila'y tumatanggap ng parusang nararapat sa kanilang masasamang gawa.

Read full chapter

Footnotes

  1. Roma 1:26 Ayaw...kapwa babae, sa Griyego,, ipinagpalit ang likas na pakikipagtalik sa di-likas.