Add parallel Print Page Options

Sumusulat ako sa inyong lahat, na mga nasa Roma, na mga inibig ng Diyos at tinawag na mga banal.

Sumainyo ang biyaya at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at Panginoong Jesucristo.

Nananabik si Pablo na Makadalaw sa Roma

Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa aking Diyos para sa inyong lahat sa pamamagitan ni Jesucristo. Nagpapasalamat ako na ang inyong pananampalataya ay nababalita sa buong sanlibutan.

Ito ay sapagkat ang Diyos ang aking saksi kung paano ko kayo laging binabanggit nang walang patid sa aking mga pananalangin. Ang Diyos ang pinaglilingkuran ko sa aking espiritu sa ebanghelyo patungkol sa kaniyang Anak.

Read full chapter