Add parallel Print Page Options

Sinabi (A) naman ni David,

“Ang hapag nawa nila'y maging bitag at patibong,
    isang katitisuran, at ganti sa kanila;
10 lumabo nawa ang kanilang mga paningin, upang hindi sila makakita,
    at sa hirap ay makuba sila habang panahon.”

Ang Kaligtasan ng mga Hentil

11 Kaya't sinasabi ko: natisod ba sila upang tuluyang mabuwal? Huwag nawang mangyari! Sa halip, dahil sa pagsuway nila ay dumating ang kaligtasan sa mga Hentil, upang ibunsod sa selos ang Israel.

Read full chapter