Font Size
Roma 15:15-17
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Roma 15:15-17
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
15 Gayunman, sa ibang bahagi ng sulat na ito'y buong loob akong nagpapaalala sa inyo tungkol sa ibang bagay. Ginawa ko ito dahil sa biyayang ibinigay sa akin ng Diyos 16 upang maging lingkod ni Cristo Jesus sa mga Hentil. Isang banal na gawain ang aking pangangaral ng ebanghelyo, upang ang mga Hentil ay maging kalugud-lugod na handog sa Diyos, yamang sila ay ginawang banal ng Banal na Espiritu. 17 Dahil kay Cristo Jesus, ipinagmamalaki ko ang paglilingkod ko sa Diyos.
Read full chapter
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.