Font Size
Roma 15:7-9
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Roma 15:7-9
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Ebanghelyo sa mga Judio at sa mga Hentil
7 Kaya't tanggapin ninyo ang isa't isa, kung paanong tinanggap kayo ni Cristo, upang luwalhatiin ang Diyos. 8 Sinasabi ko sa inyo na si Cristo ay naging lingkod ng mga Judio[a] upang ipakita ang katapatan ng Diyos at upang pagtibayin ang kanyang mga pangako sa mga ninuno, 9 at (A) upang ang mga Hentil ay magpuri sa Diyos dahil sa kanyang habag, gaya ng nasusulat,
“Kaya't kikilalanin kita sa gitna ng mga Hentil,
at aawitan ko ng papuri ang iyong pangalan.”
Footnotes
- Roma 15:8 Sa Griyego, pagtutuli.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.