Font Size
Roma 15:8-10
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Roma 15:8-10
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
8 Sapagkat sinasabi ko sa inyo na isinugo ng Dios si Cristo para maglingkod sa mga Judio at para ipakita na ang Dios ay tapat sa pagtupad ng kanyang mga pangako sa kanilang mga ninuno. 9 Sinugo rin si Cristo para ipakita ang awa ng Dios sa mga hindi Judio, nang sa ganoon ay papurihan din nila ang Dios. Ayon nga sa Kasulatan,
“Pasasalamatan kita sa piling ng mga hindi Judio,
at aawit ako ng mga papuri sa iyo.”[a]
10 At sinabi pa sa Kasulatan,
“Kayong mga hindi Judio, makigalak kayo sa mga taong sakop ng Dios.”[b]
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®