Add parallel Print Page Options

Batiin din ninyo ang iglesyang nagtitipon sa bahay nila. Batiin din ninyo ang mahal kong si Epeneto, ang unang sumampalataya kay Cristo sa Asia. Batiin ninyo si Maria, na malaki ang hirap para sa inyo. Batiin ninyo sina Andronico at Junias, mga kamag-anak ko at mga nakasama ko sa bilangguan. Kilala silang kasama ng mga apostol at naunang naging Cristiano kaysa akin.

Read full chapter