Font Size
Roma 4:10-12
Ang Salita ng Diyos
Roma 4:10-12
Ang Salita ng Diyos
10 Papaano nga ito ibinilang? Ito ba ay nang tinuli na siya o nang bago pa siya tinuli? Hindi nang tinuli na siya kundi nang bago pa siya tuliin. 11 Siya ay tumanggap ng tanda ng pagiging nasa pagtutuli. Ito ay tatak ngkatuwiran na mula sa pananampalatayang nasa kaniya bago pa man siya tinuli. Ito ang tanda na siya ay magiging ama ng lahat na mga hindi nasa pagtutuli na sumampalataya upang ang katuwiran ay maibilang din sa kanila. 12 Si Abraham ay hindi lamang ama ng mga nasa pagtutuli. Siya ay ama rin ng nasa pagtutuli na mga lumalakad sa mga bakas ng pananampalataya ng ating amang si Abraham na nasa kaniya nang hindi pa siya tuli.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International