Add parallel Print Page Options

11 Siya ay tumanggap ng tanda ng pagiging nasa pagtutuli. Ito ay tatak ngkatuwiran na mula sa pananampalatayang nasa kaniya bago pa man siya tinuli. Ito ang tanda na siya ay magiging ama ng lahat na mga hindi nasa pagtutuli na sumampalataya upang ang katuwiran ay maibilang din sa kanila. 12 Si Abraham ay hindi lamang ama ng mga nasa pagtutuli. Siya ay ama rin ng nasa pagtutuli na mga lumalakad sa mga bakas ng pananampalataya ng ating amang si Abraham na nasa kaniya nang hindi pa siya tuli.

13 Ito ay sapagkat si Abraham at ang kaniyang lahi ay tumanggap ng pangako na siya ay magiging tagapagmana ng sanlibutan. Ito ay hindi sa pamamagitan ng kautusan kundi sa pamamagitan ng katuwiran ng pananampalataya.

Read full chapter