Add parallel Print Page Options

20 Oo, at higit pa dito, tao, sino ka upang makipagtalo laban sa Diyos? Sasabihin ba ng hinubog sa humubog sa kaniya: Bakit mo ako ginawang ganito? 21 Hindi ba ang magpapalayok ang may kapamahalaan sa putik? Mula sa putik ding iyon siya ay maaaring gumawa rin ng sisidlang pangmarangal ang gamit at ang ibang sisidlang hindi pangmarangal ang gamit.

22 Yamang ibig ng Diyos na ipahayag ang kaniyang galit, at upang maipaalam niya sa kaniyang mga tao ang kaniyang kapangyarihan, nagtitiis siyang may pagtitiyaga sa mga sisidlang tatanggap ng galit. Inihanda na niya sila sa kapahamakan.

Read full chapter