Add parallel Print Page Options

18 Nang makita ni Naomi na desidido si Ruth na sumama sa kanya, tumahimik na lang siya. 19 Kaya nagpatuloy silang dalawa sa paglalakbay hanggang sa nakarating sila sa Betlehem. Ang lahat ng taoʼy nabigla sa kanilang pagdating. Sinabi ng mga babae, “Si Naomi ba talaga ito?”

20 Sinabi ni Naomi sa kanila, “Huwag nʼyo na akong tawaging Naomi,[a] kundi tawagin ninyo akong Mara,[b] dahil pinapait ng Makapangyarihang Dios ang buhay ko.

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:20 Naomi: Ang ibig sabihin, masarap.
  2. 1:20 Mara: Ang ibig sabihin, mapait.