Add parallel Print Page Options

18 Nang matiyak ni Naomi na hindi talaga magbabago ang isip ni Ruth na sumama sa kanya, hindi na siya tumutol.

19 Kaya't nagpatuloy sila ng paglalakbay. Pagdating nila sa Bethlehem, nagulat ang lahat. “Hindi ba't si Naomi ito?” tanong ng kababaihan.

20 Sumagot naman si Naomi, “Huwag na ninyo akong tawaging Naomi.[a] Tawagin ninyo akong Mara,[b] sapagkat ako'y pinabayaang magdusa ng Makapangyarihang Diyos.

Read full chapter

Footnotes

  1. Ruth 1:20 NAOMI: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng salitang ito'y “Kaaya-aya”.
  2. Ruth 1:20 MARA: Sa wikang Hebreo, ang kahulugan ng salitang ito'y “Mapait”.