Add parallel Print Page Options

Sinabi ni Boaz kay Ruth, “Anak, makinig ka. Huwag ka nang pumunta sa ibang bukid para mamulot ng mga nalaglag. Dito ka na lang mamulot kasama ng mga utusan kong babae. Tingnan mo kung saan nag-aani ang mga tauhan ko at sumunod ka sa mga utusan kong babae. Sinabihan ko na ang mga tauhan ko na huwag kang galawin. At kapag nauhaw ka, uminom ka lang sa mga tapayan na inigiban ng mga tauhan ko.”

10 Nagpatirapa si Ruth sa harapan ni Boaz bilang paggalang at sinabi, “Bakit napakabuti nʼyo po sa akin gayong isang dayuhan lang ako?”

Read full chapter