Add parallel Print Page Options

At sinabi niya sa kaniya, Lahat ng iyong sinasabi sa akin ay aking gagawin.

At siya'y bumaba sa giikan, at ginawa niya ang ayon sa buong iniutos sa kaniya ng kaniyang biyanan.

At nang si Booz ay makakain at makainom, (A)at ang kaniyang puso'y maligayahan, siya'y yumaong nahiga sa dulo ng bunton ng trigo; at siya'y (B)naparoong marahan, at inalisan ng takip ang kaniyang mga paa, at siya'y nahiga.

Read full chapter