Font Size
Ruth 4:12-14
Ang Biblia, 2001
Ruth 4:12-14
Ang Biblia, 2001
12 Ang(A) iyong sambahayan ay maging gaya ng sambahayan ni Perez na ipinanganak ni Tamar kay Juda, dahil sa mga anak na ibibigay ng Panginoon sa iyo sa pamamagitan ng kabataang babaing ito.”
Si Ruth ay Naging Asawa ni Boaz
13 Kaya't kinuha ni Boaz si Ruth. Siya'y naging kanyang asawa; at siya'y sumiping sa kanya, pinagdalang-tao siya ng Panginoon, at siya'y nanganak ng isang lalaki.
14 Sinabi ng mga babae kay Naomi, “Purihin ang Panginoon na hindi ka pinabayaan sa araw na ito na mawalan ng isang malapit na kamag-anak. Maging bantog nawa ang kanyang pangalan sa Israel.
Read full chapter