Add parallel Print Page Options

Mapalad ang tao na ang kasalanan ay hindi ibinibintang sa kanya ng Panginoon,
    at walang pandaraya sa kanyang puso.

Noong hindi ko pa ipinagtatapat ang aking mga kasalanan,
    buong araw akoʼy nanlulumo at nanghihina ang aking katawan.
Araw-gabi, hirap na hirap ako
    dahil sa tindi ng inyong pagdidisiplina sa akin.[a]
    Nawalan na ako ng lakas,
    tulad ng natuyong tubig sa panahon ng tag-araw.

Read full chapter

Footnotes

  1. 32:4 hirap na hirap ako dahil sa tindi ng inyong pagdidisiplina sa akin: sa Hebreo, mabigat ang kamay mo sa akin.