Add parallel Print Page Options

19 Nalalaman ninyo ito, minamahal kong mga kapatid. Nguni't (A)magmaliksi ang bawa't tao sa pakikinig, (B)magmakupad sa pananalita, (C)magmakupad sa pagkagalit;

20 Sapagka't ang galit ng tao ay hindi gumagawa ng katuwiran ng Dios.

21 Kaya't (D)ihiwalay ninyo ang lahat na karumihan at ang pagapaw ng kasamaan, at tanggapin ninyo na may kaamuan ang salitang itinanim, (E)na makapagliligtas ng inyong mga kaluluwa.

Read full chapter