Add parallel Print Page Options

18 Ngunit may magsasabi: Mayroon kang pananampalataya, at mayroon naman akong gawa. Ipakita mo sa akin ang pananampalataya mong walang kalakip na gawa, at ipapakita ko naman sa iyo ang aking pananampalataya sa pamamagitan ng aking mga gawa. 19 Sumasampalataya kang iisa ang Diyos? Mabuti! Ang mga demonyo man ay sumasampalataya at nanginginig pa. 20 Nais mo ba ng katibayan, O taong hangal, na walang kabuluhan ang pananampalataya na walang kasamang gawa?

Read full chapter