Add parallel Print Page Options

21 Hindi baga ang ating amang si (A)Abraham ay inaring ganap sa pamamagitan ng mga gawa, dahil sa kaniyang inihain si Isaac na kaniyang anak sa ibabaw ng dambana?

22 Nakikita mo (B)na ang pananampalataya ay gumagawang kalakip ng kaniyang mga gawa, at sa pamamagitan ng mga gawa ay naging sakdal ang pananampalataya;

23 At natupad (C)ang kasulatan na nagsasabi, At si (D)Abraham ay sumampalataya sa Dios, at yao'y ibinilang na katuwiran sa kaniya; at siya'y tinawag na (E)kaibigan ng Dios.

Read full chapter