Font Size
Santiago 3:11-13
Ang Salita ng Diyos
Santiago 3:11-13
Ang Salita ng Diyos
11 Ang bukal ba ay naglalabas ng matamis at ng mapait na tubig sa iisang butas? 12 Mga kapatid ko, makakapagbunga ba ng olivo ang puno ng igos? O ang puno ba ng ubas ay makakapagbunga ng igos? Gayundin, ang bukal ay hindi makakapaglabas ng maalat at matamis na tubig.
Dalawang Uri ng Karunungan
13 Sino sa inyo ang matalino at nakakaunawa? Hayaang ipakita niya sa pamamagitan ng mabuting pamumuhay ang kaniyang mga gawa na may mapagpakumbabang karunungan.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International