Font Size
Santiago 4:11-13
Ang Biblia (1978)
Santiago 4:11-13
Ang Biblia (1978)
11 (A)Huwag kayong mangagsalita ng laban sa isa't isa, mga kapatid. Ang nagsasalita laban sa kapatid, (B)o humahatol sa kaniyang kapatid, ay (C)nagsasalita laban sa kautusan, at humahatol sa kautusan: datapuwa't kung ikaw ay humahatol sa kautusan, hindi ka na tagatupad ng kautusan, kundi hukom.
12 Iisa ang tagapagbigay ng kautusan at hukom, sa makatuwid baga'y ang makapagliligtas at (D)makapagwawasak: datapuwa't (E)sino ka na humahatol sa iyong kapuwa?
13 (F)Magsiparito ngayon, kayong nagsisipagsabi, (G)Ngayon o bukas ay magsisiparoon kami sa gayong bayan, at titira kami doong isang taon, at mangangalakal, at magtutubo:
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978