Add parallel Print Page Options

Ang Dalawang Pastol

Ito ang sinabi ng Panginoon kong Dios: “Alagaan mo ang mga tupang[a] kakatayin. Ang mga bumibili at kumakatay sa kanila ay hindi pinarurusahan. Ang mga nagtitinda ng mga tupang ito ay nagsasabi, ‘Purihin ang Panginoon! Mayaman na ako!’ Pati ang kanilang mga pastol ay hindi naaawa sa kanila.

Alagaan mo ang aking mga mamamayan, dahil ako, ang Panginoon, ay nagsasabing hindi ko na kahahabagan ang mga tao sa mundo.[b] Ako mismo ang uudyok sa bawat tao na magpasakop sa kanyang kapwa at sa kanyang hari. At silang mga namamahala ay magdadala ng kapahamakan sa buong mundo, at hindi ko ililigtas ang mga tao mula sa kanilang mga kamay.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 11:4 mga tupang: Ang ibig sabihin, mga taga-Israel.
  2. 11:6 mundo: o, lupain ng Israel.