Font Size
Zacarias 11:9-11
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Zacarias 11:9-11
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
9 Pagkatapos, sinabi ko sa mga tupa, “Hindi na ako ang inyong pastol. Hayaang mamatay ang mga naghihingalo at mapahamak ang mga mapapahamak. At ang mga matitira ay hayaang kainin ang laman ng isaʼt isa.”
10 Pagkatapos, kinuha ko ang tungkod na tinatawag na Kabutihan at binali ko upang ipahiwatig na ipinawalang-bisa ng Panginoon ang kanyang kasunduan sa mga tao. 11 Kaya ng araw ding iyon, ipinawalang-bisa ang kasunduan. At nalaman ng mga nagbebenta ng mga tupa[a] na nanonood sa akin na may mensahe ang Panginoon sa mga ginagawa kong ito.
Read full chapterFootnotes
- 11:11 mga nagbebenta ng mga tupa: Ito ang nasa Septuagint. Sa Hebreo, mga walang silbi.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®