Zacarias 12:6-8
Ang Biblia (1978)
6 Sa araw na yao'y gagawin kong parang kawali ng apoy sa panggatong ang mga pinakapuno sa Juda at (A)parang sulo na apoy sa gitna ng mga bigkis; at kanilang sasakmalin ang buong bayan sa palibot, sa kanan at sa kaliwa; at ang (B)Jerusalem ay tatahan pa uli (C)sa kaniyang sariling dako, sa makatuwid baga'y sa Jerusalem.
7 Ililigtas naman na una ng Panginoon ang mga tolda ng Juda, upang ang kaluwalhatian ng sangbahayan ni David at ang kaluwalhatian ng mga mananahan sa Jerusalem ay huwag magmalaki sa Juda.
8 Sa araw na yaon ay ipagsasanggalang ng Panginoon ang mga mananahan sa Jerusalem, at (D)siyang mahina sa kanila sa araw na yaon ay magiging gaya ni David; at ang sangbahayan ni David ay magiging parang Dios, parang (E)anghel ng Panginoon sa harap nila.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978