Add parallel Print Page Options

Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Ito ang (A)sumpa na lumalabas sa ibabaw ng buong lupain: sapagka't ang bawa't nagnanakaw ay mahihiwalay sa isang dako ayon doon; at bawa't manunumpa ay mahihiwalay sa kabilang dako ayon doon.

Aking ilalabas yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at papasok sa bahay ng magnanakaw, at sa bahay niyaong nanunumpa ng kasinungalingan sa pangalan ko; at (B)tatahan sa gitna ng bahay niya, at (C)pupugnawin sangpu ng mga kahoy niyaon at mga bato niyaon.

Nang magkagayo'y (D)ang anghel na nakikipagusap sa akin ay lumabas, at nagsabi sa akin, itanaw mo ngayon ang iyong mga mata, at tingnan mo kung ano ito na lumalabas.

Read full chapter