Add parallel Print Page Options

Makikita ng Ascalon, at matatakot; ng (A)Gaza rin, at mamamanglaw na mainam, at ng Ecron, sapagka't ang kaniyang pagasa ay mapapahiya; at ang hari ay mamamatay sa Gaza, at ang Ascalon ay hindi tatahanan.

At isang anak sa ligaw ay tatahan sa (B)Asdod, at aking puputulin ang kapalaluan ng mga Filisteo.

At aking aalisin ang (C)kaniyang dugo sa kaniyang bibig, at ang kaniyang mga kasuklamsuklam sa pagitan ng kaniyang mga ngipin; at siya nama'y maiiwan para sa ating Dios: at siya'y magiging gaya ng pangulo sa Juda, at ang Ecron ay gaya (D)ng Jebuseo.

Read full chapter