Add parallel Print Page Options

Ang Ilawan at ang Puno ng Olibo

Nagbalik ang anghel na kausap ko at ako'y kanyang ginising na para bang ako'y natutulog. Itinanong niya sa akin, “Ano ang nakikita mo?” “Isang ilawang ginto po na may lalagyan ng langis sa itaas at may pitong ilawan, bawat isa'y may pitong lalagyan ng mitsa. Sa(A) magkabila nito ay may puno ng olibo,” sagot ko naman sa kanya. Itinanong ko sa anghel, “Ano po ang kahulugan nito, panginoon?”

“Hindi mo ba alam iyan?” patanong na sagot sa akin.

“Hindi po,” ang sagot ko.

Ang Pangako ng Diyos kay Zerubabel

Sinabi(B) sa akin ng anghel ang ipinapasabi ni Yahweh para kay Zerubabel, “Pinapasabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat: Ang tagumpay ay hindi makakamit sa pamamagitan ng lakas ng hukbo o sariling kapangyarihan kundi sa pamamagitan lamang ng aking espiritu.[a] Maging ang pinakamalaking hadlang ay makikita ninyong maaalis. Muli mong itatayo ang templo at habang inilalagay mo ang kahuli-hulihang bato, magbubunyi ang mga tao at kanilang sasabihin, ‘Napakaganda!’”

Read full chapter

Footnotes

  1. 6 Espiritu: o kaya'y kapangyarihan o hangin .