Zacarias 14:16
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
16 Pagkatapos, ang lahat ng natitirang mga tao sa mga bansang sumalakay sa Jerusalem ay pupunta sa Jerusalem taun-taon para sumamba sa Hari, ang Panginoong Makapangyarihan, at para makipag-isa sa pagdiriwang ng Pista ng Pagtatayo ng mga Kubol.
Read full chapter
Zacarias 14:20
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
20 Sa araw na iyon na sasamba ang mga bansa sa Panginoon, isusulat sa mga kampanilyang palamuti ng mga kabayo ang mga katagang, “Itinalaga sa Panginoon.”[a] Ang mga lutuan sa templo ng Panginoon ay magiging kasimbanal ng mga mangkok na ginagamit sa altar.
Read full chapterFootnotes
- 14:20 isusulat … Panginoon: Ang ibig sabihin, ang mga kabayo ay hindi na gagamitin sa labanan sa halip ay gagamitin para sa pagdala ng mga tao sa pagsamba sa Panginoon.
Zacarias 14:21
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
21 At ang bawat lutuan sa Jerusalem at Juda ay magiging banal para sa Panginoong Makapangyarihan. Gagamitin ito ng mga naghahandog para paglutuan ng kanilang inihahandog. At sa araw na iyon, wala nang mga negosyante sa templo ng Panginoong Makapangyarihan.
Read full chapterAng Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®