Add parallel Print Page Options

10 Ako, ang Panginoon ay nagsasabing sa araw na iyon maririnig ang iyakan sa pintuan na tinatawag na Isda[a] ng lungsod ng Jerusalem at sa bagong bahagi ng lungsod. Maririnig din ang malakas na ingay ng mga nagigibang bahay sa mga burol. 11 Mag-iyakan kayo, kayong mga naninirahan sa mababang bahagi[b] ng lungsod ng Jerusalem dahil mamamatay ang lahat ng inyong mga mangangalakal.

12 “Sa araw ding iyon, susuyurin kong mabuti[c] ang Jerusalem at parurusahan ko ang mga taong nagpapasarap lang sa buhay at nagsasabi sa kanilang sarili, ‘Walang gagawin ang Panginoon sa amin mabuti man o masama.’

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:10 pintuan na tinatawag na Isda: Maaaring dito idinadaan ang mga isdang dinadala sa lungsod.
  2. 1:11 mababang bahagi: o, pamilihan.
  3. 1:12 susuyurin kong mabuti: sa literal, susuyurin ko sa pamamagitan ng mga ilaw.