Add parallel Print Page Options

11 Mag-iyakan kayo, kayong mga naninirahan sa mababang bahagi[a] ng lungsod ng Jerusalem dahil mamamatay ang lahat ng inyong mga mangangalakal.

12 “Sa araw ding iyon, susuyurin kong mabuti[b] ang Jerusalem at parurusahan ko ang mga taong nagpapasarap lang sa buhay at nagsasabi sa kanilang sarili, ‘Walang gagawin ang Panginoon sa amin mabuti man o masama.’ 13 Aagawin sa mga taong ito ang kanilang mga pag-aari at wawasakin ang kanilang mga bahay. Hindi sila ang titira sa mga bahay na kanilang itinayo. At hindi sila ang iinom ng inuming mula sa ubas na kanilang itinanim.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:11 mababang bahagi: o, pamilihan.
  2. 1:12 susuyurin kong mabuti: sa literal, susuyurin ko sa pamamagitan ng mga ilaw.