Zefanias 1:12-14
Ang Biblia (1978)
12 At mangyayari sa panahong yaon, na ang Jerusalem ay sisiyasatin kong may mga ilawan; at aking parurusahan ang mga tao na (A)nagsisiupo sa kanilang mga latak, na (B)nangagsasabi sa kanilang puso, Ang Panginoo'y hindi gagawa ng mabuti, ni gagawa man siya ng masama.
13 At ang kanilang kayamanan ay magiging samsam, at ang kanilang mga bahay ay kasiraan: oo, sila'y mangagtatayo ng mga bahay, nguni't (C)hindi nila titirahan; at sila'y mag-uubasan, nguni't hindi sila magsisiinom ng alak niyaon.
14 Ang dakilang kaarawan ng Panginoon (D)ay malapit na, (E)malapit na at nagmamadaling mainam, sa makatuwid baga'y ang tinig ng kaarawan ng Panginoon; ang makapangyarihang tao ay (F)sumisigaw roon ng kalagimlagim.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978