Font Size
Zefanias 1:12-14
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Zefanias 1:12-14
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
12 “Sa araw ding iyon, susuyurin kong mabuti[a] ang Jerusalem at parurusahan ko ang mga taong nagpapasarap lang sa buhay at nagsasabi sa kanilang sarili, ‘Walang gagawin ang Panginoon sa amin mabuti man o masama.’ 13 Aagawin sa mga taong ito ang kanilang mga pag-aari at wawasakin ang kanilang mga bahay. Hindi sila ang titira sa mga bahay na kanilang itinayo. At hindi sila ang iinom ng inuming mula sa ubas na kanilang itinanim.”
Ang Nakakatakot na Araw ng Pagpaparusa ng Panginoon
14 Malapit na ang nakakatakot na araw ng pagpaparusa ng Panginoon. Itoʼy mabilis na dumarating. Mapait ang araw na iyon, dahil kahit na ang matatapang na sundalo ay sisigaw para humingi ng tulong.
Read full chapterFootnotes
- 1:12 susuyurin kong mabuti: sa literal, susuyurin ko sa pamamagitan ng mga ilaw.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®