Add parallel Print Page Options

Lilipulin ko ang mga tumatalikod at hindi dumudulog sa akin.

“Tumahimik kayo sa harapan ko, dahil malapit na ang araw ng aking pagpaparusa. Inihanda ko na ang aking mga mamamayan para patayin tulad ng hayop na ihahandog. Pinili ko na ang mga kalaban na tinawag ko na sasalakay sa Juda. Sa araw na iyon, papatayin ko ang mga taga-Juda na parang hayop na ihahandog. Parurusahan ko ang kanilang mga opisyal at ang mga anak ng kanilang hari, at ang lahat sa kanila na sumusunod sa masasamang ugali ng ibang bansa.[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. 1:8 sumusunod … bansa: sa literal, nagsusuot ng damit ng taga-ibang bansa.