Font Size
Zefanias 3:10-12
Ang Biblia (1978)
Zefanias 3:10-12
Ang Biblia (1978)
10 Mula sa dako roon ng mga ilog ng Etiopia, ang mga nagsisipamanhik sa akin, sa makatuwid baga'y ang anak na babae ng (A)aking pinapangalat, ay magdadala ng handog (B)sa akin.
11 Sa araw na yao'y (C)hindi ka mapapahiya ng dahil sa lahat ng iyong gawa, na iyong isinalangsang laban sa akin; sapagka't kung magkagayon aking aalisin sa gitna mo ang iyong nangagpapalalong nagsasaya, at (D)hindi ka na magpapalalo pa sa aking banal na bundok.
12 Nguni't aking iiwan sa gitna mo ang isang (E)nagdadalamhati at maralitang bayan, at sila'y magsisitiwala sa pangalan ng Panginoon.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978