Add parallel Print Page Options

16 Sa araw na yaon ay sasabihin sa Jerusalem; Huwag kang matakot; Oh Sion, (A)huwag manghina ang iyong mga kamay.

17 Ang Panginoon mong Dios ay nasa gitna mo, na makapangyarihan na magliligtas; siya'y magagalak dahil sa iyo na may kagalakan; siya'y magpapahinga sa kaniyang pagibig; siya'y magagalak sa iyo na may pagawit.

18 Aking pipisanin yaong nangamamanglaw dahil sa takdang kapulungan, na sila'y mga naging iyo; na ang pasan sa kaniya ay isang kakutyaan.

Read full chapter