Add parallel Print Page Options

Ang kabutihan at kabagsikan ng Panginoon.

(A)Ang hula tungkol sa (B)Ninive. Ang aklat tungkol sa pangitain ni Nahum na Elkoshita.

Ang Panginoon ay (C)mapanibughuing Dios at nanghihiganti; ang Panginoon ay nanghihiganti at puspos ng kapootan; ang Panginoon ay nanghihiganti sa kaniyang mga kaaway, at siya'y nagtataan ng kapootan sa kaniyang mga kaaway.

Ang Panginoon ay (D)banayad sa pagkagalit, at dakila sa kapangyarihan, at sa anomang paraan ay hindi aariing walang sala ang salarin: ang daan ng Panginoon ay sa ipoipo at sa bagyo, at ang mga ulap ay siyang alabok ng kaniyang mga paa.

Kaniyang sinasaway (E)ang dagat, at tinutuyo, at tinutuyo ang lahat na ilog: ang Basan ay nanlalata, at ang Carmelo; at ang bulaklak ng Libano ay nalalanta.

Ang mga bundok ay nanginginig dahil sa kaniya, at ang mga burol ay nangatutunaw; at ang lupa'y lumilindol sa kaniyang harapan, oo, ang sanglibutan, at ang lahat na nagsisitahan dito.

Sino ang makatatayo sa harap ng kaniyang pagkagalit? at sino ang makatatahan sa kabangisan ng kaniyang galit? ang kaniyang kapusukan ay sumisigalbong parang apoy, at ang mga malaking bato ay nangatitibag niya.

Ang Panginoo'y mabuti, (F)katibayan sa kaarawan ng kabagabagan; at (G)nakikilala niya yaong nangaglalagak ng kanilang tiwala sa kaniya.

Nguni't sa pamamagitan ng manggugunaw na baha ay kaniyang lubos na wawakasan ang kaniyang dako, at hahabulin ang kaniyang mga kaaway sa kadiliman.

Ano ang inyong kinakatha laban sa Panginoon? siya'y gagawa ng lubos na kawakasan; ang pagdadalamhati ay hindi titindig na ikalawa.

10 Sapagka't yamang sila'y maging gaya ng mga salasalabat na tinik, at maging napakalasing na parang manglalasing, sila'y lubos na masusupok na (H)parang tuyong dayami.

11 May lumabas na isa sa iyo, na nagiisip ng kasamaan laban sa Panginoon, na pumapayo ng masama.

12 Ganito ang sabi ng Panginoon: Bagaman sila'y nangasa lubos na kalakasan, at totoong marami, gayon may sila'y nangalulugmok, at daraan siya. Bagaman pinagdalamhati kita, hindi na kita pagdadalamhatiin pa.

13 At ngayo'y (I)aking babaliin ang kaniyang pamatok na nasa iyo, at aking sisirain ang iyong mga paningkaw.

14 At ang Panginoon ay nagbigay utos tungkol sa iyo, na hindi na matatatag ang iyong pangalan: sa bahay ng iyong mga dios ay aking ihihiwalay ang larawang inanyuan at ang larawang binubo; aking gagawin ang iyong libingan; sapagka't ikaw ay hamak.

15 Narito, (J)nasa ibabaw ng mga bundok ang mga paa niyang nangagdadala ng mga mabuting balita, na nangaghahayag ng kapayapaan! Ipagdiwang mo ang iyong mga kapistahan, Oh Juda, tuparin mo ang iyong mga panata; sapagka't ang masama ay hindi na dadaan pa sa iyo; siya'y lubos na nahiwalay.

Sa aba ng Jerusalem at ng mga bansa.

Sa aba niya na mapanghimagsik at nadumhan! ng (A)mapagpighating kamay!

Siya'y hindi sumunod sa tinig; siya'y hindi napasaway; siya'y hindi tumiwala sa Panginoon; siya'y hindi lumapit sa kaniyang Dios.

Ang mga prinsipe niya (B)sa gitna niya ay mga leong nagsisiungal; ang mga hukom niya ay mga (C)lobo sa gabi; sila'y walang inilalabi hanggang sa kinaumagahan.

Ang kaniyang mga propeta ay mga (D)walang kabuluhan at mga taong taksil; nilapastangan ng kaniyang mga saserdote ang santuario, (E)sila'y nagsigawa ng pangdadahas sa aking kautusan.

Ang Panginoon sa gitna niya ay matuwid; siya'y hindi gagawa ng kasamaan; tuwing umaga'y kaniyang ipinaliliwanag ang kaniyang matuwid na kahatulan, siya'y hindi nagkukulang; nguni't ang hindi ganap ay hindi nakakaalam ng kahihiyan.

Ako'y naghiwalay ng mga bansa; ang kanilang mga kuta ay sira; aking iniwasak ang kanilang mga lansangan, na anopa't walang makaraan; ang kanilang mga bayan ay giba, na anopa't walang tao, na anopa't walang tumatahan.

Aking sinabi, Matakot ka lamang sa akin; tumanggap ng pagsaway; (F)sa gayo'y ang kaniyang tahanan ay hindi mahihiwalay, ayon sa lahat na aking itinakda sa kaniya: nguni't sila'y (G)bumangong maaga, at kanilang sinira ang lahat nilang gawa.

Kaya't (H)hintayin ninyo ako, sabi ng Panginoon, hanggang sa kaarawan na ako'y bumangon sa panghuhuli; sapagka't ang aking pasiya ay (I)pisanin ang mga bansa, upang aking mapisan ang mga kaharian, upang maibuhos ko sa kanila ang aking kagalitan, sa makatuwid baga'y ang aking buong mabangis na galit; sapagka't ang buong lupa ay sasakmalin, (J)ng silakbo ng aking paninibugho.

Sapagka't akin ngang sasaulian ang mga bayan ng dalisay na wika, upang silang lahat ay makatawag sa pangalan ng Panginoon; na paglingkuran siya na may pagkakaisa.

10 Mula sa dako roon ng mga ilog ng Etiopia, ang mga nagsisipamanhik sa akin, sa makatuwid baga'y ang anak na babae ng (K)aking pinapangalat, ay magdadala ng handog (L)sa akin.

11 Sa araw na yao'y (M)hindi ka mapapahiya ng dahil sa lahat ng iyong gawa, na iyong isinalangsang laban sa akin; sapagka't kung magkagayon aking aalisin sa gitna mo ang iyong nangagpapalalong nagsasaya, at (N)hindi ka na magpapalalo pa sa aking banal na bundok.

12 Nguni't aking iiwan sa gitna mo ang isang (O)nagdadalamhati at maralitang bayan, at sila'y magsisitiwala sa pangalan ng Panginoon.

13 Ang nalabi (P)sa Israel ay hindi gagawa ng kasamaan, (Q)ni magsasalita man ng mga kabulaanan; ni masusumpungan man ang isang magdarayang dila sa kanilang bibig; sapagka't sila'y magsisikain at magsisihiga, (R)at walang takot sa kanila.

Ang muling pagkatayo at katatagan ng Israel.

14 Umawit ka, Oh anak na babae ng Sion; humiyaw ka; Oh Israel; ikaw ay matuwa at magalak ng buong puso, Oh anak na babae ng Jerusalem.

15 Inalis ng Panginoon ang mga kahatulan sa iyo, kaniyang iniwaksi ang iyong kaaway: ang hari sa Israel, sa makatuwid baga'y ang Panginoon, ay nasa gitna mo; hindi ka na matatakot pa sa kasamaan.

16 Sa araw na yaon ay sasabihin sa Jerusalem; Huwag kang matakot; Oh Sion, (S)huwag manghina ang iyong mga kamay.

17 Ang Panginoon mong Dios ay nasa gitna mo, na makapangyarihan na magliligtas; siya'y magagalak dahil sa iyo na may kagalakan; siya'y magpapahinga sa kaniyang pagibig; siya'y magagalak sa iyo na may pagawit.

18 Aking pipisanin yaong nangamamanglaw dahil sa takdang kapulungan, na sila'y mga naging iyo; na ang pasan sa kaniya ay isang kakutyaan.

19 Narito, (T)sa panahong yao'y aking parurusahan ang lahat na mga dumadalamhati sa iyo: at (U)aking ililigtas ang napipilay, at aking pipisanin ang pinalayas; at aking gagawin silang kapurihan at kabantugan, na ang kahihiyan nila ay napasa buong lupa.

20 Sa panahong yao'y (V)aking ipapasok kayo, at sa panahong yao'y aking pipisanin kayo; sapagka't aking gagawin kayong kabantugan at kapurihan sa gitna ng lahat ng mga bayan sa lupa, (W)pagka aking ibinalik kayo sa harap ng inyong mga mata mula sa inyong pagkabihag sabi ng Panginoon.

Ang pagkatawag at pagkasugo kay Jeremias.

Ang mga salita ni (A)Jeremias na anak ni Hilcias, isa sa mga saserdote na (B)nasa Anathoth sa lupain ng Benjamin:

Na dinatnan ng salita ng Panginoon nang mga kaarawan ni (C)Josias na anak ni Amon, na hari sa Juda, (D)nang ikalabing tatlong taon ng kaniyang paghahari.

Dumating din nang kaarawan ni (E)Joacim na anak ni Josias, hari sa Juda, nang katapusan nang ikalabing isang taon ni (F)Sedechias, na anak ni Josias, hari sa Juda, (G)hanggang sa pagkabihag ng Jerusalem nang ikalimang buwan.

Ang salita nga ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

Bago (H)kita inanyuan sa tiyan ay nakilala kita, at bago ka lumabas sa bahay-bata ay pinapaging banal kita; inihalal kitang propeta (I)sa mga bansa.

Nang magkagayo'y sinabi ko, (J)Ah, Panginoong Dios! narito, hindi ako marunong magsalita: sapagka't ako'y bata.

Nguni't sinabi sa akin ng Panginoon, Huwag mong sabihin, Ako'y bata: sapagka't saan man kita susuguin ay paroroon ka, at anomang iutos ko sa iyo ay (K)sasalitain mo.

Huwag kang matakot dahil sa kanila; sapagka't ako'y sumasaiyo upang iligtas kita, sabi ng Panginoon.

(L)Nang magkagayo'y iniunat ng Panginoon ang kaniyang kamay, at (M)hinipo ang aking bibig; at sinabi sa akin ng Panginoon, Narito, inilagay ko ang aking mga salita sa iyong bibig:

10 Tingnan mo, aking pinapagpupuno ka sa araw na ito sa mga bansa at sa mga kaharian, upang magalis at magbagsak at upang magsira at magwasak, upang magtayo at magtatag.

Ang tungkod na almendro at ang palyok ay nakita sa pangitain.

11 Bukod dito ay dumating sa akin ang salita ng Panginoon, na nagsasabi, Jeremias, anong nakikita mo? At aking sinabi, Ako'y nakakakita ng isang tungkod na almendro.

12 Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, Iyong nakitang mabuti: sapagka't aking iniingatan ang aking salita upang isagawa.

13 At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin na ikalawa, na nagsasabi, Ano ang iyong nakikita? At aking sinabi, Ako'y nakakakita ng (N)isang palyok na pinagpapakuluan; at paharap sa hilagaan.

14 Nang magkagayo'y sinabi ng Panginoon sa akin, (O)Mula sa hilagaan ay lalabasin ng kasamaan ang lahat na nananahan sa lupain.

15 Sapagka't, narito, aking tatawagin ang lahat na angkan ng mga kaharian sa hilagaan, sabi ng Panginoon; at sila'y magsisiparoon, at sila'y (P)maglalagay bawa't isa ng kanikaniyang luklukan sa pasukan ng mga pintuang-bayan ng Jerusalem, at laban sa lahat na kuta niyaon sa palibot, at laban sa lahat na bayan ng Juda.

16 At aking sasalitain ang aking mga kahatulan laban sa kanila (Q)tungkol sa lahat nilang kasamaan, sa kanilang nangagpabaya sa akin, at nangagsunog ng kamangyan sa ibang mga dios, at nagsisamba sa mga gawa ng kanilang sariling mga kamay.

17 Ikaw nga'y (R)magbigkis ng iyong mga balakang, at ikaw ay bumangon, at salitain mo sa kanila ang lahat na iniuutos ko sa iyo: (S)huwag kang manglupaypay sa kanila, baka ikaw ay panglupaypayin ko sa harap nila.

18 Sapagka't, narito, ginawa kita sa araw na ito, na nakukutaang bayan, at pinakahaliging bakal, at pinaka kutang tanso, laban sa buong lupain, laban sa mga hari sa Juda, laban sa mga prinsipe niyaon, laban sa mga saserdote niyaon, at laban sa bayan ng lupain.

19 At sila'y magsisilaban sa iyo; nguni't hindi sila mangananaig laban sa iyo: sapagka't ako'y sumasa iyo, sabi ng Panginoon, upang iligtas ka.

Ang kagandahang-loob noong una at ang pagkawalang kabuluhan ngayon.

At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

Ikaw ay yumaon, at humiyaw sa mga pakinig ng Jerusalem, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon, Inaalaala ko sa ikabubuti mo ang kagandahang-loob ng (T)iyong kabataan, (U)ang pagibig sa iyong mga pagaasawa; kung paanong ikaw ay sumunod sa akin sa ilang, (V)sa lupain na hindi hinasikan.

Ang Israel ay (W)kabanalan sa Panginoon, na mga (X)pangunang bunga ng kaniyang halaman: lahat na nagsisisakmal sa kaniya ay aariing salarin; kasamaan ay darating sa kanila, sabi ng Panginoon.

Inyong dinggin ang salita ng Panginoon, Oh sangbahayan ni Jacob, at lahat na angkan ng sangbahayan ng Israel:

Ganito ang sabi ng Panginoon, (Y)Anong kalikuan ang nasumpungan ng inyong mga magulang sa akin, na sila'y nagsilayo sa akin, at nagsisunod sa walang kabuluhan, at naging walang kabuluhan?

Hindi man nila sinabi, Saan nandoon ang Panginoon na nagahon sa atin mula sa lupain ng Egipto, na pumatnubay sa atin sa ilang, sa mga lupaing ilang at bakobako, sa lupaing may pagkakatuyo at lilim ng kamatayan, sa lupain na walang dumaraan at walang taong tumatahan?

At dinala ko kayo sa saganang lupain, upang kumain ng bunga niyaon at ng kabutihan niyaon; nguni't nang kayo'y pumasok ay inyong hinawahan ang aking lupain, at (Z)ginawa ninyong kasuklamsuklam ang aking mana.

Hindi sinabi ng mga saserdote, Saan nandoon ang Panginoon? at silang nagsisihawak (AA)ng kautusan ay hindi nakakilala sa akin: ang mga (AB)pinuno naman ay nagsisalansang laban sa akin, at ang mga (AC)propeta ay nanganghula sa pamamagitan ni Baal, at nagsilakad na sumunod sa mga bagay na hindi pinakikinabangan.

Kaya't (AD)ako'y makikipagtalo pa sa inyo, sabi ng Panginoon, at sa mga anak ng inyong mga anak ay makikipagtalo ako.

10 (AE)Sapagka't mangagdaan kayo sa mga pulo ng (AF)Chittim, at tingnan, at kayo'y mangagsugo sa (AG)Cedar, at mangagbulay na maingat; at inyong tingnan kung may nangyaring ganiyang bagay.

11 (AH)Ipinagpalit baga ng isang bansa ang kanilang mga dios, na (AI)hindi mga dios? nguni't ipinagpalit ng aking bayan ang kanilang kaluwalhatian sa hindi pinakikinabangan.

12 Mangagtaka kayo Oh kayong mga langit, sa bagay na ito, at mangatakot ng kakilakilabot, mangatuyo kang lubha, sabi ng Panginoon.

13 Sapagka't ang bayan ko ay nagkamit ng dalawang kasamaan; (AJ)kanilang iniwan ako na (AK)bukal ng buhay na tubig, at nagsigawa sa ganang kanila ng mga balon na mga sirang balon na hindi malalamnan ng tubig.

Ang kanilang pagpapabaya ay huwag tularan.

14 Ang Israel baga'y alipin? siya baga'y aliping ipinanganak sa bahay? bakit siya'y naging samsam.

15 Ang mga batang (AL)leon ay nagsiungal sa kaniya, at nagsihiyaw: at sinira nila ang kaniyang lupain; ang kaniyang mga bayan ay nangasunog, na walang mananahan.

16 Binasag naman ng mga anak ng Memfis at ng Taphnes ang bao ng iyong ulo.

17 Hindi mo baga pinapangyari ito sa iyong sarili, dahil sa iyong pagpapabaya sa Panginoon mong Dios, nang kaniyang patnubayan ka sa daan?

18 At ngayo'y anong ipakikialam mo (AM)sa daan na patungo sa Egipto, upang uminom ng tubig sa Sikor? o anong ipakikialam mo sa daang patungo sa Asiria, upang uminom ng tubig (AN)sa ilog?

19 Sasawayin ka ng iyong sariling kasamaan, at sasawayin ka ng iyong mga pagtalikod: talastasin mo nga at iyong tingnan na masamang bagay at kapanglawpanglaw, na iyong pinabayaan ang Panginoon mong Dios: at ang takot sa akin ay wala sa iyo, sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo.

Ang pagasa sa sarili ay walang kabuluhan.

20 Sapagka't nang unang panahon ay inalis ko ang iyong pamatok, at nilagot ko ang iyong mga tali; at iyong sinabi: Hindi ako maglilingkod; sapagka't (AO)sa bawa't mataas na burol, at sa ilalim ng bawa't sariwang punong kahoy ay yumuko ka, na (AP)nagpatutot.

21 Gayon ma'y (AQ)tinamnan kita ng mahal na puno ng ubas, na pawang mabuting binhi: bakit ka nga naging bansot na ibang puno ng ubas sa akin?

22 Sapagka't bagaman maghugas ka ng lihiya, at magbunton ka ng maraming sabon, gayon ma'y natatala sa harap ko ang iyong kasamaan, sabi ng Panginoong Dios.

23 Paanong masasabi mo, Hindi ako nagpakahawa, hindi ako yumaong sumunod sa mga Baal? tingnan mo ang iyong daan (AR)sa libis, talastasin mo kung ano ang iyong ginawa: ikaw na maliksing dromedario na dumadamba sa paglakad;

24 Isang asnong babaeng mailap na sanay sa ilang na sumisingasing sa kaniyang nais; sa kaniyang pagkakataon, sinong makapagliligaw sa kaniya? silang lahat na nagsisihanap sa kaniya ay hindi mapapagod: sa kaniyang kabuwanan ay masusumpungan siya.

25 Ingatan mo ang iyong paa sa paglakad na walang suot, at ang iyong lalamunan sa pagkauhaw. Nguni't iyong sinabi, Walang kabuluhan; hindi, sapagka't ako'y umibig sa mga taga ibang lupa, at sa kanila'y susunod ako.

26 Kung paanong ang magnanakaw ay napapahiya pagka siya'y nahuhuli, gayon napapahiya ang sangbahayan ni Israel; sila, ang kanilang mga hari, ang kanilang mga prinsipe, at ang kanilang mga saserdote, at ang kanilang mga propeta,

27 Na nangagsasabi (AS)sa kahoy, Ikaw ay aking ama; at sa bato, Iyong ipinanganak ako: sapagka't kanilang ipinihit ang kanilang likod sa akin, at hindi ang kanilang mukha: nguni't sa panahon (AT)ng kanilang kabagabagan ay sasabihin nila, Ikaw ay bumangon, at iligtas mo kami.

28 Nguni't saan nandoon ang iyong mga dios na iyong ginawa para sa iyo? magsibangon sila, (AU)kung sila'y makapagliligtas sa iyo sa panahon ng iyong kabagabagan: (AV)sapagka't ayon sa bilang ng iyong mga bayan ay gayon ang iyong mga dios, Oh Juda.

Ang pagtitiis ng Panginoon sa kanilang kasalanan.

29 Bakit kayo nangakikipagpunyagi sa akin? kayong lahat ay nagsisalangsang laban sa akin, sabi ng Panginoon.

30 Sa walang kabuluhan sinaktan ko ang (AW)inyong mga anak; sila'y hindi nagsitanggap ng saway; nilamon ng inyong sariling (AX)tabak ang inyong mga propeta, na parang manglilipol na leon.

31 Oh lahi, tingnan ninyo ang salita ng Panginoon. Naging ilang baga ako sa Israel? o lupain ng salimuot na kadiliman? bakit nga sinasabi ng aking bayan, Kami ay nangakalaya; hindi na kami paroroon pa sa iyo?

32 Malilimutan baga ng dalaga ang kaniyang mga hiyas, o ng kasintahang babae ang kaniyang kagayakan? gayon ma'y nilimot ako ng bayan ko sa mga araw na walang bilang.

33 Anong pagpapaganda mo ng iyong lakad upang humanap ng pagibig! kaya't gayon din ang mga patutot ay iyong tinuruan ng iyong mga lakad.

34 Gayon din sa mga laylayan mo ay nakasumpong (AY)ng dugo ng mga kaluluwa ng dukhang walang sala: hindi mo nasumpungan sa dako ng pagbubukas; kundi dahil sa lahat ng mga ito.

35 Gayon ma'y sinabi mo: Ako'y walang sala; tunay na ang kaniyang galit ay humiwalay sa akin. Narito, (AZ)hahatulan kita, sapagka't iyong sinabi, Hindi ako nagkasala.

36 Bakit ka lumalaboy upang papanibaguhin mo ang iyong lakad? ikahihiya mo rin naman ang Egipto na gaya ng iyong pagkahiya sa Asiria.

37 Mula doon ay lalabas ka rin, na ang iyong mga kamay ay (BA)nakapatong sa iyong ulo: sapagka't itinakuwil ng Panginoon ang iyong mga pinagkakatiwalaan, at hindi ka giginhawa sa kanila.

Ang pagtitiis ng Panginoon sa kanilang kasalanan.

Kanilang sinabi, Kung ihiwalay ng lalake ang kaniyang asawa, at siya'y humiwalay sa kaniya, at mapasa ibang lalake, (BB)babalik pa baga uli ang lalake sa kaniya? hindi baga lubos na madudumhan ang (BC)lupaing yaon? Nguni't (BD)ikaw ay nagpatutot sa maraming nangingibig; gayon ma'y manumbalik ka uli sa akin, sabi ng Panginoon.

Imulat mo ang iyong mga mata (BE)sa mga luwal na kaitaasan, at tingnan mo; saan hindi ka nasipingan? (BF)Sa tabi ng mga lansangan ay naghintay ka sa kanila, gaya ng taga Arabia sa ilang; (BG)at iyong dinumhan ang lupain ng iyong mga pakikiapid at ng iyong kasamaan.

Kaya't ang (BH)ambon, ay napigil, at hindi nagkaroon (BI)ng huling ulan; gayon man may noo ka ng isang patutot ikaw ay tumakuwil na mapahiya.

Hindi ka baga dadaing mula sa panahong ito sa akin, Ama ko, ikaw ang patnubay ng aking kabataan?

Kaniya bagang iingatan ang kaniyang galit magpakailan man? (BJ)kaniya bagang iingatan hanggang sa kawakasan? Narito, ikaw ay nagsalita at gumawa ng mga masamang bagay, at sinunod mo ang iyong ibig.

Bukod dito'y sinabi sa akin ng Panginoon sa kaarawan ni Josias na hari, Iyo bagang nakita ang ginawa ng tumatalikod na Israel? (BK)siya'y yumaon sa bawa't mataas na bundok at sa ilalim ng bawa't sariwang punong kahoy, at doon siya nagpatutot.

At aking sinabi pagkatapos na magawa niya ang lahat na bagay na ito, Siya'y babalik sa akin; nguni't hindi siya bumalik: at nakita ng taksil (BL)niyang kapatid na Juda.

At aking nakita, nang, dahil dito sa pangangalunya ng tumatalikod na Israel, akin siyang pinalayas at binigyan ko siya ng (BM)sulat ng paghihiwalay, gayon ma'y hindi natakot ang taksil niyang kapatid na Juda; kundi siya man ay yumaon at nagpatutot.

At nangyari, sa walang kabuluhan niyang pagsamba sa diosdiosan, na ang lupain ay nadumhan, at siya'y sumamba sa pamamagitan (BN)ng mga bato at ng mga kahoy.

10 At gayon ma'y sa lahat ng ito ay hindi bumalik sa akin ang taksil niyang kapatid na Juda, ng kaniyang buong puso, kundi paimbabaw, sabi ng Panginoon.

Ang gawi ng Juda ay higit na masama kay sa Israel.

11 At sinabi ng Panginoon sa akin, Ang tumatalikod na Israel ay napakilala na lalong matuwid kay sa taksil na Juda.

12 Ikaw ay yumaon, at itanyag mo ang mga salitang ito sa dakong (BO)hilagaan, at iyong sabihin, Ikaw ay manumbalik, ikaw na tumatalikod na Israel, sabi ng Panginoon; hindi ako titinging may galit sa inyo: sapagka't ako'y maawain, sabi ng Panginoon, hindi ako magiingat ng galit magpakailan man.

13 Kilalanin mo lamang ang iyong kasamaan, (BP)na ikaw ay sumalansang sa Panginoon mong Dios, at iyong ikinalat ang iyong mga kaugalian sa (BQ)mga taga ibang lupa (BR)sa ilalim ng bawa't sariwang punong kahoy, at kayo'y hindi nagsisunod sa aking tinig, sabi ng Panginoon.

14 Kayo'y manumbalik, Oh tumatalikod na mga anak, sabi ng Panginoon, (BS)sapagka't ako'y asawa ninyo; at kukuha ako sa inyo ng (BT)isa sa isang bayan, at dalawa sa isang angkan, at dadalhin ko kayo sa Sion.

15 At bibigyan ko kayo ng mga pastor ayon sa aking kalooban, na kakandili sa inyo ng kaalaman at unawa.

16 At mangyayari, pagka kayo'y dumami at lumago sa lupain sa mga araw na yaon, sabi ng Panginoon, hindi na nila sasabihin, Ang kaban ng tipan ng Panginoon; ni mapapasaisip nila yaon: ni aalalahanin nila yaon: ni nanaisin nila yaon; ni mayayari pa man.

17 Sa panahong yaon ay tatawagin nila ang Jerusalem na luklukan ng Panginoon, at (BU)lahat ng mga bansa ay mapipisan doon, sa pangalan ng Panginoon, sa Jerusalem: hindi na rin lalakad pa man sila ng ayon sa pagmamatigas ng kanilang masamang kalooban.

18 Sa mga araw na yaon ang sangbahayan ni Juda ay (BV)lalakad na kasama ng sangbahayan ni Israel, at sila'y manggagaling na magkasama sa lupain (BW)ng hilagaan (BX)sa lupain na ibinigay kong pinakamana sa inyong mga magulang.

Isinamo, at ipinayo sa Israel na magsisi.

19 Nguni't aking sinabi, Paanong ilalagay kita sa gitna ng mga anak, at bibigyan kita ng masayang lupain, ng mainam na mana ng mga hukbo ng mga bansa? at aking sinabi, Inyong tatawagin ako, (BY)Ama ko; at hindi ka na hihiwalay pa ng pagsunod sa akin.

20 Tunay na kung paanong humihiwalay na may pagtataksil ang babae sa kaniyang asawa, gayon kayo nagsigawang may kataksilan sa akin, Oh sangbahayan ni Israel, sabi ng Panginoon.

21 Isang tinig ay (BZ)naririnig sa mga luwal na kaitaasan, ang iyak at ang mga samo ng mga anak ni Israel; sapagka't kanilang pinasama ang kanilang lakad, kanilang nilimot ang Panginoon nilang Dios.

22 (CA)Kayo'y manumbalik, kayong nagsisitalikod na mga anak, aking pagagalingin ang inyong mga pagtalikod. Narito, kami ay nagsiparito sa iyo; sapagka't ikaw ay Panginoon naming Dios.

23 Tunay na (CB)walang kabuluhan ang tulong na maaasahan sa mga burol, ang kagulo sa mga bundok: tunay na nasa Panginoon naming Dios ang kaligtasan ng Israel.

24 Nguni't nilamon ng nakahihiyang bagay ang gawa ng ating mga magulang na mula sa ating kabataan, ang kanilang mga kawan at ang kanilang mga bakahan, ang kanilang mga anak na lalake at babae.

25 Tayo'y magsihiga sa ating kahihiyan, at takpan tayo ng ating kalituhan: sapagka't tayo'y nangagkasala laban sa Panginoon nating Dios, tayo at ang ating mga magulang, mula sa ating kabataan hanggang sa araw na ito; at hindi tayo nakinig sa tinig ng Panginoon nating Dios.

Isinamo, at ipinayo sa Israel na magsisi.

Kung ikaw ay manunumbalik, Oh Israel, sabi ng Panginoon, kung ikaw ay (CC)manunumbalik sa akin, at kung iyong aalisin ang iyong mga kasuklamsuklam sa aking paningin; (CD)hindi ka nga makikilos;

At ikaw ay susumpa, Buháy ang Panginoon, sa katotohanan, sa kahatulan, at sa katuwiran; at ang mga bansa ay (CE)magiging mapalad sa kaniya, at sa kaniya luluwalhati sila.

Ang Juda ay nanganganib na salakayin.

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, sa mga tao ng Juda at ng Jerusalem, (CF)Inyong bungkalin ang inyong binabayaang bukiran, at huwag kayong (CG)maghasik sa gitna ng mga tinik.

Magsipagtuli kayo para sa Panginoon, (CH)at inyong alisin ang mga kasamaan ng inyong puso, ninyong mga tao ng Juda at mga nananahan sa Jerusalem; baka ang aking kapootan ay sumigalbo na parang apoy, at magningas na walang makapatay, dahil sa kasamaan ng inyong mga gawa.

Ipahayag ninyo sa Juda, at ibalita ninyo sa Jerusalem; at inyong sabihin, Inyong hipan ang pakakak sa lupain: magsihiyaw kayo ng malakas, at inyong sabihin, (CI)Magpisan kayo, at tayo'y magsipasok sa (CJ)mga bayang nakukutaan.

Kayo'y mangagtaas ng watawat sa dako ng Sion: kayo'y magsitakas sa ikatitiwasay, huwag kayong magsitigil: (CK)sapagka't ako'y magdadala ng kasamaan mula sa hilagaan, at ng malaking paglipol.

Ang isang leon ay (CL)sumampa mula sa kaniyang kagubatan, at ang manglilipol ng mga bansa; siya'y nasa kaniyang paglalakad, siya'y lumabas mula sa kaniyang dako, upang sirain ang iyong lupain, upang ang iyong mga bayan ay mangalagay na sira na (CM)walang mananahan.

Dahil dito ay mangagbigkis kayo ng kayong magaspang, kayo'y magsipanaghoy at magsipanangis; sapagka't ang mabangis na galit ng Panginoon ay hindi humihiwalay sa atin.

At mangyayari sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, na ang puso ng hari ay mapapahamak, at ang puso ng mga prinsipe: at ang mga saserdote ay mangatitigilan, at ang mga propeta ay mangamamangha.

10 Nang magkagayo'y sinabi ko, Ah Panginoong Dios: (CN)tunay na iyong dinayang lubha ang bayang ito at ang Jerusalem, na iyong sinabi, Kayo'y mangagkakaroon ng kapayapaan: gayon man ang tabak ay tumatalab sa buhay.

11 Sa panahong yaon ay sasabihin sa bayang ito at sa Jerusalem, (CO)Isang mainit na hangin na mula sa mga luwal na kaitaasan sa ilang ay dumating sa anak ng aking bayan, hindi upang sumimoy, o maglinis man:

12 Isang malakas na hangin na mula sa mga ito ay darating sa akin: ngayo'y magsasalita naman ako ng mga kahatulan laban sa kanila.

13 Narito, siya'y sasagupang parang mga ulap, at ang kaniyang mga karo ay magiging parang ipoipo ang kaniyang mga kabayo ay lalong matulin kay sa mga aguila. Sa aba natin! sapagka't tayo'y nangapahamak.

14 Oh Jerusalem, hugasan mo ang iyong puso sa kasamaan, upang ikaw ay maligtas. Hanggang kailan titigil sa loob mo ang iyong mga masamang pagiisip?

15 Sapagka't isang (CP)tinig ay nagpapahayag (CQ)mula sa Dan, at nagbabalita ng kasamaan, mula sa mga burol ng Ephraim.

16 Inyong banggitin sa mga bansa: narito, inyong ibalita laban sa Jerusalem, na ang mga bantay ay nanggagaling sa malayong lupain, at inihihiyaw nila ang kanilang tinig laban sa mga bayan ng Juda.

17 Sila'y gaya ng mga bantay (CR)sa parang, laban sa kaniya sa palibot, sapagka't siya'y naging mapanghimagsik laban sa akin, sabi ng Panginoon.

18 Ang iyong lakad at ang iyong mga gawa ay nagsikap ng mga bagay na ito (CS)sa iyo: ito ang iyong kasamaan; sapagka't napakasama, sapagka't tinataglay ng iyong puso.

Panaghoy sa pagkagiba ng Juda.

19 Ang hirap ko, ang hirap (CT)ko! Ako'y nagdaramdam sa aking (CU)puso; ang dibdib ko ay kakabakaba, hindi ako matahimik; sapagka't iyong narinig, Oh kaluluwa ko, ang tunog ng pakakak, ang hudyat ng pakikipagdigma.

20 Kagibaan (CV)at kagibaan ang inihihiyaw; sapagka't ang buong lupain ay nasira: biglang (CW)nangasira ang aking mga tolda, at ang aking mga tabing sa isang sandali.

21 Hanggang kailan makikita ko ang watawat, at maririnig ang tunog ng pakakak?

22 Sapagka't ang bayan ko ay hangal, hindi nila ako nakikilala; sila'y mga mangmang na anak, at sila'y walang unawa; (CX)sila'y pantas sa paggawa ng masama, nguni't sa paggawa ng mabuti ay wala silang kaalaman.

23 Aking minasdan ang lupa, at, narito, (CY)sira at walang laman; at ang langit ay (CZ)walang liwanag.

24 Aking minasdan ang mga bundok, (DA)at narito, nagsisiyanig, at ang lahat na burol ay nagsisiindayon.

25 Ako'y nagmasid, at, narito, walang tao, at (DB)lahat ng mga ibon sa himpapawid ay nangakatakas.

26 Ako'y nagmasid, at, narito, ang mainam na parang ay ilang, at, lahat ng mga bayan niyaon ay nangasira sa harapan ng Panginoon, at sa harap ng kaniyang mabangis na galit.

27 Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon, Ang buong lupain ay magiging sira; (DC)gayon ma'y hindi ako gagawa ng lubos na kawakasan.

28 Dahil dito (DD)ay tatangis ang lupa, at (DE)ang langit sa itaas ay magiging maitim: sapagka't aking sinalita, aking pinanukala, (DF)at hindi ako nagsisi, o akin mang tatalikuran.

29 Ang buong bayan ay tumakas dahil sa hugong ng mga mangangabayo at ng mga mamamana; sila'y nagsipasok sa mga kagubatan, at nangagukyabit sa mga malaking bato; bawa't bayan ay napabayaan, at walang tao na tumatahan doon.

30 At ikaw, pagka ikaw ay napahamak, anong iyong gagawin? Bagaman ikaw ay nananamit ng mainam na damit na mapula; (DG)bagaman ikaw ay gumagayak ng mga kagayakang ginto, (DH)bagaman iyong pinalalaki ang iyong mga mata ng pinta, sa walang kabuluhan nagpapakaganda ka; (DI)hinahamak ka ng mga mangingibig sa iyo, pinagsisikapan nila ang iyong buhay.

31 Sapagka't ako'y nakarinig ng tinig na gaya ng sa (DJ)babaing nagdaramdam, ng daing ng gaya ng sa nanganganak sa panganay, ng tinig ng anak na babae ng Sion, na nagsisikip ang hininga, na naguunat ng kaniyang mga kamay, na nagsasabi, Sa aba ko ngayon! sapagka't ang kaluluwa ko ay nanglulupaypay sa harap ng mga mamamatay tao.

Ang di pagkilala ng Jerusalem sa Panginoon ay tinutulan.

Magsitakbo kayong paroo't parito sa mga lansangan ng Jerusalem, at tingnan ngayon, at alamin, at hanapin sa mga luwal na dako niyaon, (DK)kung kayo'y makakasumpong ng tao, (DL)kung may sinoman na gumagawa ng kaganapan, na humahanap ng katotohanan; at aking patatawarin siya.

At (DM)bagaman kanilang sinasabi, (DN)Buháy ang Panginoon; tunay na sila'y (DO)nagsisisumpa na may kasinungalingan.

Oh Panginoon, hindi baga tumitingin ang (DP)iyong mga mata sa katotohanan? iyong hinampas sila, nguni't hindi sila nangagdamdam; iyong pinugnaw sila, nguni't sila'y nagsitangging tumanggap ng sawa'y; (DQ)kanilang pinapagmatigas ang kanilang mukha ng higit kay sa malaking bato; sila'y nagsitangging manumbalik.

Nang magkagayo'y sinabi ko, Tunay na ang mga ito ay dukha; sila'y mga hangal; (DR)sapagka't hindi sila nangakakaalam ng daan ng Panginoon, o ng kahatulan ng kaniyang Dios.

Ako'y paroroon sa mga dakilang tao, at magsasalita sa kanila; sapagka't (DS)kanilang nalalaman ang daan ng Panginoon, at ang kahatulan ng kanilang Dios. Nguni't ang mga ito ay nagkaiisang (DT)magalis ng pamatok, at lumagot ng mga panali.

Kaya't papatayin sila ng (DU)leon na mula sa gubat, (DV)sisirain sila ng lobo sa mga ilang, babantayan ang kanilang mga bayan ng (DW)leopardo; lahat na nagsilabas doon ay mangalalapa; sapagka't ang kanilang mga pagsalangsang ay marami, at ang kanilang mga pagtalikod ay lumago.

Paanong mapatatawad kita? pinabayaan ako ng iyong mga anak, at nagsisumpa sa pamamagitan (DX)niyaong mga hindi dios. (DY)Nang sila'y aking mabusog, sila'y nangalunya, at nagpupulong na pulupulutong sa mga bahay ng mga patutot.

Sila'y parang pinakaing mga kabayong pagalagala: bawa't isa'y humalinghing sa asawa ng kaniyang kapuwa.

Hindi baga (DZ)dadalaw ako dahil sa mga bagay na ito? sabi ng Panginoon: at hindi baga manghihiganti ang kaluluwa ko sa isang ganiyang bansa na gaya nito?

Ang napipintong paglagpak ng Jerusalem.

10 (EA)Sampahin ninyo ang kaniyang mga kuta at inyong gibain; (EB)nguni't huwag kayong magsigawa ng lubos na kawakasan; alisin ninyo ang kaniyang mga sanga; sapagka't sila'y hindi sa Panginoon.

11 Sapagka't ang sangbahayan ni Israel at ang sangbahayan ni Juda ay (EC)gumagawang may kataksilan laban sa akin, sabi ng Panginoon.

12 Kanilang ikinaila ang Panginoon, at sinabi, Hindi siya; ni darating sa atin ang kasamaan; (ED)ni makakakita tayo ng tabak o ng kagutom man:

13 At ang mga propeta ay magiging parang hangin, at ang salita ay wala sa kanila: ganito ang gagawin sa kanila.

14 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng mga hukbo, Sapagka't inyong sinalita ang salitang ito, narito, (EE)gagawin ko na ang aking mga salita sa inyong bibig ay maging apoy, at ang bayang ito ay kahoy, at sila'y pupugnawin niyaon.

15 Narito, dadalhin ko ang (EF)bansa sa inyo na mula sa malayo, Oh sangbahayan ni Israel, sabi ng Panginoon: siyang makapangyarihang bansa, siyang matandang bansa, isang bansa na ang wika ay hindi mo naiintindihan, o nababatid mo man kung ano ang kanilang sinasabi.

16 Ang kanilang lalagyan ng pana ay bukas na libingan, silang lahat ay makapangyarihang lalake.

17 At kakanin nila ang iyong (EG)ani, at ang iyong tinapay, na dapat sanang kanin ng iyong mga anak na lalake at babae; kanilang kakanin ang iyong mga kawan at ang iyong mga bakahan; kanilang kakanin ang iyong mga puno ng ubas at ang iyong mga puno ng igos; kanilang ibabagsak ang iyong mga bayan na nababakuran, na iyong tinitiwalaan, sa pamamagitan ng tabak.

18 Nguni't sa mga araw mang yaon, sabi ng Panginoon, hindi ako gagawa ng lubos na kawakasan sa inyo.

19 At mangyayari, pagka inyong sasabihin, (EH)Bakit ginawa ng Panginoon nating Dios ang lahat ng mga bagay na ito sa atin? kung magkagayo'y sasabihin mo sa kanila, Kung paanong inyong pinabayaan (EI)ako, at nangaglingkod kayo sa mga ibang dios sa inyong lupain, (EJ)gayon kayo mangaglingkod sa mga taga ibang lupa sa isang lupain na hindi inyo.

Ang larawan ng kasalanan ng Juda.

20 Inyong ipahayag ito sa sangbahayan ni Jacob, at inyong ibalita sa Juda na inyong sabihin,

21 Inyong dinggin ngayon ito, (EK)Oh hangal na bayan, at walang unawa; na may mga mata, at hindi nakakakita; na may mga pakinig, at hindi nakakarinig:

22 Hindi kayo nangatatakot sa akin? sabi ng Panginoon: hindi baga kayo manginginig sa aking harapan, na naglagay ng buhangin na (EL)pinakahangganan ng dagat, sa pamamagitan ng pinakawalang hanggang pasiya, upang huwag makalampas? at bagaman maginalon ang kaniyang mga alon, hindi rin mananaig; bagaman ang mga ito'y nagsisihugong, hindi rin ang mga ito'y makaraan.

23 Nguni't ang bayang ito ay may magulo at mapanghimagsik na puso; sila'y nanghimagsik at nagsiyaon.

24 Hindi man nila sinasabi sa sarili, Mangatakot tayo ngayon sa Panginoon nating Dios, (EM)na naglalagpak ng ulan, ng (EN)maaga at gayon din (EO)ng huli, sa kaniyang kapanahunan; na itinataan sa atin (EP)ang mga takdang sanglinggo ng mga pagaani.

25 Ang inyong mga kasamaan ang (EQ)nangaghiwalay ng mga bagay na ito, at ang inyong mga kasalanan ang nagsipigil sa inyo ng kabutihan.

26 Sapagka't sa gitna ng aking bayan ay nakakasumpong ng mga masamang tao: sila'y nagbabantay, gaya ng pagbabantay ng mga mamimitag; sila'y nangaglalagay ng silo, sila'y nanghuhuli ng mga tao.

27 Kung paanong ang kulungan ay puno ng mga ibon, gayon ang kanilang mga bahay ay puno ng karayaan: kaya't sila'y naging dakila, at nagsisiyaman.

28 Sila'y nagsisitaba, sila'y makintab: oo, sila'y nagsisihigit sa mga paggawa ng kasamaan; hindi nila ipinakikipaglaban (ER)ang usap, ang usap ng ulila, (ES)upang sila'y guminhawa; at ang matuwid ng mapagkailangan ay hindi hinahatulan.

29 Hindi baga dadalaw ako dahil sa mga bagay na ito? sabi ng Panginoon; hindi baga manghihiganti ang aking kalooban sa ganiyang bansa na gaya nito?

30 Isang kamanghamangha at kakilakilabot na bagay ay nangyayari sa lupain:

31 Ang mga propeta ay nanganghuhula (ET)ng kasinungalingan, at ang mga saserdote ay nangagpupuno sa pamamagitan ng kanilang mga kamay; (EU)at iniibig ng aking bayan na magkagayon: at ano ang inyong gagawin sa wakas niyaon?

Ang Caldea ay itinaas upang parusahan ang Juda.

(A)Ang hula na nakita ni Habacuc na propeta.

Oh Panginoon, hanggang kailan dadaing ako, at hindi mo didinggin? Ako'y dadaing sa iyo dahil sa pangdadahas, at hindi ka magliligtas.

Bakit pinagpapakitaan mo ako ng kasamaan, at iyong pinamamasdan ang kasamaan? sapagka't ang kasiraan at pangdadahas ay nasa harap ko; at may pakikipagalit, at pagtatalong bumabangon.

Kaya't ang kautusan ay natitigil, at ang katarungan ay hindi lumalabas kailan man; sapagka't (B)kinukulong ng masama ang matuwid; kaya't ang kahatulan ay lumalabas na liko.

Mangagmasid kayo (C)sa gitna ng mga bansa, at tumingin kayo at mamangha kayo ng kagilagilalas; sapagka't ako'y gumagawa ng isang gawain sa inyong mga kaarawan na hindi ninyo paniniwalaan bagaman saysayin sa inyo.

Sapagka't narito, aking itinitindig ang mga Caldeo, yaong makapangingilabot at marahas na bansa, na lumalakad sa kaluwangan ng lupa, upang magari ng mga tahanang dako na hindi kanila.

Sila'y kakilakilabot at nangakatatakot; ang kanilang kahatulan at ang kanilang karangalan ay mula sa kanilang sarili.

Ang kanilang mga kabayo naman ay matutulin kay sa mga leopardo, at mababangis kay sa lobo sa gabi; at ang kanilang mga mangangabayo ay nagtutumulin na may kapalaluan: oo, ang kanilang mga mangangabayo ay nanganggagaling sa malayo; sila'y nagsisilipad na parang aguila na nagmamadali upang manakmal.

Sila'y nagsisiparitong lahat sa pangdadahas; ang kanilang mga mukha ay nangakatitig sa silanganan; at sila'y nangagpipisan ng mga bihag na parang buhangin.

10 Oo, siya'y nanunuya sa mga hari, at ang mga prinsipe ay katuyaan sa kaniya; kaniyang kinukutya ang bawa't katibayan; sapagka't nagbubunton siya ng alabok, at sinasakop.

11 Kung magkagayo'y lalampas siya na parang hangin, at magdaraan, at magiging salarin, sa makatuwid baga'y (D)siya na ang kapangyarihan ay ang kaniyang dios.

Ang pakikipagsagutan ni Habacuc.

12 (E)Di baga ikaw ay mula sa walang hanggan, Oh Panginoon kong Dios, aking Banal? (F)kami ay hindi mangamamatay. Oh Panginoon, iyong itinakda siya (G)ukol sa kahatulan; at ikaw, Oh Malaking Bato, ay iyong itinatag siya na pinakasaway.

13 Ikaw na may mga matang malinis kay sa tumingin ng kasuwailan, at hindi ka makatitingin sa kasamaan, bakit mo minamasdan ang nagsisigawa ng paglililo, at tumatahimik ka pagka sinasakmal ng masama ang tao na lalong matuwid kay sa kaniya;

14 At kaniyang ginagawa ang mga tao na parang mga isda sa dagat, parang nagsisigapang na walang nagpupuno sa kanila?

15 Kaniyang binubuhat ng (H)bingwit silang lahat, kaniyang hinuhuli sila sa kaniyang dala, at kaniyang pinipisan sila sa kaniyang lambat: kaya't siya'y nagagalak at siya'y masaya.

16 (I)Kaya't siya'y naghahain sa kaniyang lambat, at nagsusunog ng kamangyan sa kaniyang lambat; sapagka't sa pamamagitan ng mga yao'y ang kaniyang bahagi ay mataba, at ang kaniyang pagkain ay sagana.

17 Mawawalan nga baga ng laman ang kaniyang lambat, at hindi mahahabag na pumatay na palagi sa mga bansa.