Add parallel Print Page Options

May nakita akong parang dagat na kristal na nagliliyab. Nakita ko rin ang mga nagtagumpay laban sa halimaw at sa larawan nito, at sa nagtataglay ng bilang na katumbas ng kanyang pangalan. Nakatayo sila sa tabi ng dagat na kristal, hawak ang mga alpang bigay sa kanila ng Diyos. Inaawit(A) nila ang awit ni Moises na lingkod ng Diyos, at ang awit ng Kordero:

“Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat,
    dakila at kahanga-hanga ang iyong mga gawa!
O Hari ng mga bansa[a],
    matuwid at totoo ang iyong mga paraan!

Read full chapter

Footnotes

  1. Pahayag 15:3 Hari ng mga bansa: Sa ibang manuskrito'y Hari sa lahat ng panahon .