Add parallel Print Page Options

10 Nadaanan nila ang una at pangalawang bantay, at dumating sila sa pintuang-bakal na patungo sa lungsod. Ito'y kusang nabuksan para sa kanila at sila'y lumabas. Pagkaraan nila sa isang lansangan ay agad siyang iniwan ng anghel.

11 Noon natauhan si Pedro, kaya kanyang sinabi, “Ngayo'y natitiyak ko na sinugo ng Panginoon ang kanyang anghel at iniligtas ako mula sa kamay ni Herodes at sa lahat ng binabalak ng mga Judio.”

12 Nang mapag-isip-isip niya ito, pumunta siya sa bahay ni Maria, ang ina ni Juan na tinatawag ding Marcos. Doon nagtitipon at nananalangin ang maraming tao. 13 Nang kumatok siya sa pinto, isang babaing katulong na ang pangalan ay Roda ang lumapit upang alamin kung sino ang kumakatok. 14 Nang makilala niya ang tinig ni Pedro, sa laki ng tuwa'y hindi na niya nagawang buksan ang pinto. Sa halip ay tumakbo siya paloob at sinabing si Pedro ang nasa pintuan. 15 “Nababaliw ka na,” sabi nila sa kanya. Ngunit nang ipinilit niya na naroon talaga si Pedro, kanilang sinabi, “Anghel niya iyon.” 16 Samantala'y patuloy sa pagkatok si Pedro. Nang kanilang buksan, nakita nila si Pedro at sila'y namangha. 17 Sila'y sinenyasan niyang tumahimik, pagkatapos ay isinalaysay sa kanila kung paano siya inilabas ng Panginoon mula sa bilangguan. Pagkasabi niyang “Ipagbigay-alam ninyo ito kay Santiago, at sa mga kapatid,” siya'y umalis at pumunta sa ibang dako.

18 Kinaumagahan, gulung-gulo ang mga kawal dahil hindi nila alam kung ano ang nangyari kay Pedro. 19 Nang hindi pa rin siya matagpuan matapos maipahanap ni Herodes, ipinasiyasat nito ang mga bantay at ipinag-utos na sila'y patayin.

Buhat sa Judea, si Pedro ay pumunta sa Cesarea, at doon nanirahan.

Ang Pagkamatay ni Herodes

20 Matagal nang umaapaw ang galit noon ni Herodes sa mga taga-Tiro at taga-Sidon. Nagkaisa ang mga tao na pumunta sa kanya upang makipagkasundo, sapagkat umaasa ang kanilang bayan sa lupain ng hari para sa kanilang ikabubuhay. Hinikayat nila si Blasto na katiwala ng hari upang tulungan sila.

Read full chapter