Deuteronomio 12:20-25
Ang Biblia, 2001
20 “Kapag pinalawak ng Panginoon mong Diyos ang iyong nasasakupan, gaya ng kanyang ipinangako sa iyo, at iyong sasabihin, ‘Ako'y kakain ng karne,’ sapagkat ikaw ay nasasabik sa karne, ay makakakain ka ng karne hangga't nais mo.
21 Kung ang dakong pipiliin ng Panginoon mong Diyos na paglalagyan ng kanyang pangalan ay napakalayo para sa iyo, magpapatay ka sa iyong bakahan at kawan na ibinigay sa iyo ng Panginoon, gaya ng iniutos ko sa iyo, at makakakain ka sa loob ng iyong mga bayan, hangga't nais mo.
22 Kung paano kinakain ang maliit at malaking usa ay gayon mo ito kakainin; ang marumi at ang malinis ay kapwa makakakain niyon.
23 Lamang(A) ay tiyakin mong hindi mo kakainin ang dugo, sapagkat ang dugo ay siyang buhay; at huwag mong kakainin ang buhay na kasama ng laman.
24 Huwag mong kakainin iyon, ibubuhos mo sa lupa na parang tubig.
25 Huwag mong kakainin iyon para sa ikabubuti mo, at ng iyong mga anak pagkamatay mo, kung iyong gagawin ang matuwid sa paningin ng Panginoon.
Read full chapter