Add parallel Print Page Options

Tingnan ninyo si Abraham! (A) “Sumampalataya siya sa Diyos, kaya't siya'y itinuring na matuwid.”

Kaya't dapat ninyong maunawaan (B) na ang mga sumasampalataya ang mga tunay na anak ni Abraham. Sa simula pa ay ipinakita na ng kasulatan (C) na ituturing ng Diyos na matuwid ang mga Hentil sa pamamagitan ng pananampalataya. Nang una pa man ay ipinahayag na ang ebanghelyo kay Abraham nang sabihing, “Sa pamamagitan mo ay pagpapalain ang lahat ng mga bansa.” Sumampalataya si Abraham kaya't siya'y pinagpala. Kaya't ang mga sumasampalataya ay pinagpapalang kasama ni Abraham. 10 Nasa ilalim ng sumpa ang lahat na umaasa sa mga gawa ng Kautusan, (D) sapagkat nasusulat, “Sumpain ang hindi tumutupad sa lahat ng nakasulat sa aklat ng Kautusan.” 11 Maliwanag (E) na walang sinumang itinuturing na matuwid sa harap ng Diyos sa pamamagitan ng Kautusan. Ang kasulatan ay nagsabi, “Ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.”[a] 12 Subalit (F) ang Kautusan ay hindi nakasalig sa pananampalataya. Sa halip, sabi nga ng kasulatan, “Ang tumutupad sa mga hinihingi ng Kautusan ay mabubuhay sa pamamagitan nito.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Galacia 3:11 o Ang matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya ay mabubuhay.