Add parallel Print Page Options

17 At(A) kay Adan ay kanyang sinabi,

“Sapagkat nakinig ka sa tinig ng iyong asawa,
    at kumain ka ng bunga ng punungkahoy
na aking iniutos sa iyo na,
    ‘Huwag kang kakain niyon,’
sumpain ang lupa dahil sa iyo.
    Kakain ka mula sa kanya sa pamamagitan ng iyong mabigat na paggawa sa lahat ng mga araw ng iyong buhay;
18 mga tinik at dawag ang sisibol doon para sa iyo,
    at kakain ka ng tanim sa parang.
19 Sa pawis ng iyong mukha
    ay kakain ka ng tinapay,
hanggang ikaw ay bumalik sa lupa;
    sapagkat diyan ka kinuha.
Ikaw ay alabok
    at sa alabok ka babalik.”

20 Tinawag ng lalaki ang kanyang asawa na Eva[a] sapagkat siya ang naging ina ng lahat ng mga nabubuhay.

21 At iginawa ng Panginoong Diyos si Adan at ang kanyang asawa ng mga kasuotang balat at sila'y dinamitan.

Pinalayas sina Adan at Eva sa Halamanan

22 Sinabi(B) ng Panginoong Diyos, “Tingnan ninyo, ang tao'y naging parang isa sa atin, na nakakakilala ng mabuti at ng masama; at ngayon, baka iunat ang kanyang kamay at pumitas din ng bunga ng punungkahoy ng buhay, at kumain, at mabuhay magpakailanman.”

23 Kaya't pinalayas siya ng Panginoong Diyos sa halamanan ng Eden upang kanyang bungkalin ang lupaing pinagkunan sa kanya.

24 At kanyang itinaboy ang lalaki; at inilagay sa silanganan ng halamanan ng Eden ang mga kerubin at ang isang nagniningas na tabak na umiikot, upang bantayan ang daang patungo sa punungkahoy ng buhay.

Read full chapter

Footnotes

  1. Genesis 3:20 Sa Hebreo, ang pangalang Eva ay kahawig ng salita para sa nabubuhay .