Add parallel Print Page Options

Mga kapatid, pinupuri ko kayo na sa lahat ng mga bagay ay naalala ninyo ako. Sinusunod din ninyo ang mga kaugalian ayon sa pagkakatagubilin ko sa inyo.

Ibig kong malaman ninyo na ang pangulo ng bawat lalaki ay si Cristo. Ang pangulo ng bawat babae ay ang lalaki. Ang pangulo ni Cristo ay ang Diyos. Ang bawat lalaking nanana­langin o naghahayag nang may takip ang ulo, ay nagbibigay ng kahihiyan sa kaniyang ulo.

Read full chapter