Add parallel Print Page Options

Iisang Katawan Ngunit Maraming Bahagi

12 Si(A) Cristo'y tulad ng isang katawan na may maraming bahagi. Kahit na binubuo ng iba't ibang bahagi, ito ay nananatiling iisang katawan. 13 Maging Judio o Hentil, alipin man o malaya, tayong lahat ay binautismuhan sa pamamagitan ng iisang Espiritu upang maging isang katawan. Tayong lahat ay pinainom sa iisang Espiritu.

14 Ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi at hindi ng iisang bahagi lamang.

Read full chapter